Panitikan ng Persia ( Paglalaban ni Sohrab Rostam)
Tila isa ito sa mga kwentong pasok sa aking mga nais tulad ng wattpad na usong uso ngayon, ang panitikang Persia ay may taglay ding kagalak galak basahin, ito ay kwentong pagibig na nagtataglay ng dalawang epekto sa tao ang pagngiti at pagiyak.
Ang Carousel, Kaharian ng Persia at Kabit ng Lawa ay iilan pa lamang sa mga pambato ng Panitikang Persia. Base sa aking aklat, ang Persia ay binubuo ng mg sulatin ng nagsusulat sa wikang Persiano ilang halimbawa raw nito ay nobela, maikling kwento makabagong kwento ng pag- ibig at ibang pagsasalaysay ng sulat.
Sa aking pagbabasa, sari sari ang aking natutuklasan, napagtanto at natuklasan.
Ang panitikang Persia ay isang pinakamatandang literatura ng mundo. Ito'y umaabot sa dalawang libot kalahating taon , ngunit ang karamihan sa mga nagmula sa pre-islamic na mga akda ay nawala. Kaya karamihan sa mga ito ay nagmula sa Greater Iran hanggang sa ngayon ang Iran, Iraq and Turkey, mga rehiyon ng Central at Timog ng Asya ay gumagamit ng lingwahe ng mga Persian. Katulad na si Rumi, isa sa mga minamahal na makatang manunulat. Pinanganak sa Balkh, na ngayon ay nasa Afghanistan. Kayang magsulat ng persyanong sulat, at namuhay sa Konya at sumunod sa kapitolyo ng Seljuks sa Anatolia.
Isang kwentong nagpaantig ng aking puso na nagmula sa epikong Persiano na pinamagatang“Paglalaban ni Sohrab at Rostam”
Ang kwento nito ay nagsasabing ginawa ni Rostam ang lahat para lang sa kanyang reputasyon ngunit sa huli ay nagsisi siya nang malaman niyang napatay pala niya ang kanyang anak na si Sohrab. Sana ay inalam muna nila kung sino ang makakalaban nila. Nakaka antig ang pagtatapos ng kwentong ito. Sa una ay maiisip mo na parang walang pakielam sa magiging anak niya si Rostam dahil binuntis lamang niya si Tahmina upang makuha na ulit ang kanyang kabayo at hindi mo aasahang masasaktan din pala siya sa pagkamatay nito.
Tila tayo'y naglalakad ng walang tenga at walang mata pag tayo'y umiibig. Kung ito'y digmaan tayo'y lalaban lang ng lalaban , handa sa panganib na makikita.Katulad ng digmaan ang salitang pag ibig ay may kalakip na salitang sakripisyo Maraming mga sakripisyo at pagbibigay nang dahil lang sa pag-ibig. Ngunit hindi lamang ito basta basta nabibigay at nakukuha mula sa isang tao. Ito ay kinakailangan ng tiyaga tulad ng ginawa ng dalawang protagonista sa ating kwento.
Sa isang malawak na pag uunawa, hindi lamang sa pagibig magsasakripisyo sa buhay rin. Ang mga bagay-bagay na yaon ay tulad ng oras, kayamanan, kabuhayan, damdamin, pag-uugali, opinyon at adhikain. Ang mga ito ay ating tinalikuran para sa kapakanan ng isang bagay na mas kailangan, mas karapat-dapat o higit na mahalaga.Kung ano man ang totoo sa ordinaryong buhay ng tao at mga pagpupunyagi nito, Ang sakripisyo ay ang esensya sa buhay ng mga mahusay at matagumpay, ngunit ordinaryong mga tao. Kung wala ito, ang buhay ay di mapayapa, walang pagkakaisa at pakikipagtulungan, puno ng sigalot at alitan. Walang pagpupunyagi ng tao na maaaring magtagumpay upang maabot ang layunin nito maliban kung ang isa ay handang magsakripisyo sa mga bagay-bagay na minamahal o ninanais. Dapat tandaan, na sa una pa lang, ang pinaka-ugat sa salitang sakripisyo ay nangangahulugan ng pagkatay ng mga hayop o tao bilang handog sa Diyos. Ito ay nangangahulugan ng pagbigay at pagsuko sa Diyos ng ilang mahalagang pag-aari.
Nobela ba ito?
TumugonBurahinAno ito???
TumugonBurahinwala bang maikling kwento?
TumugonBurahinAnekdota ba ito?
TumugonBurahin